Home » Archives » April 2010
I don't make plans. Plans are for people who have control over their lives. ;(

takte ka!

April 7, 2010

Takte! nagpakita ka na naman! leche ka talaga! okay na ko eh… almost over you na nga yung drama ko eh..nabura na kita sa friends’ list ko sa FB tapos nagparamdam ka na naman… urgh! Gusto mo talagang nasasaktan ako noh? Pero sige na, di na ko magppaka-plastik, masaya naman ako kase nakita kita ulet. Masaya ka rin naman na nakita mo ko eh, diba? Feeling ko nga, namiss mo ko eh…(assuming!) Kahit na pagkatapos ng maikling kwentuhan na yun eh nalungkot na naman ako kase nakita kong kasama mo na naman siya. Hay, ganun naman yata talaga, kung sino yung taong sobrang nagpapasaya sayo, siya rin yung taong nagpapaluha sayo. (emo much?!) Gusto ko pa sana ng maraming kwentuhan, gusto ko pang makipagbiruan at makipag-kamustahan..Gusto kong tanungin kung nag-lunch ka na ba? Kung saan ka nagbakasyon nung holy week at kung bakit namumutla ka? Kung may sakit ka ba…haha! koneksyon?! amputla mo kase kanina nung nagkita tayo. siguro stressed out ka na..di ka siguro niya inaalagaan ng mabute, sana kase ako nalang pinili mo para ako nang mag-aalaga sayo. (caregiver lang?) 

 Ewan ko ba, bakit ang hirap mong kalimutan. Pang-asar ka rin kase eh, kung kelan kala ko pwede na kong mag-move forward, bigla ka namang ssulpot sa harap ko at mapapa step backward na naman ako. Panira ka talaga ng diskarte.. but you know, your such a sweet distraction.. ayan, compliment na naman yan para sayo. Sige na, ikaw na lang talaga! ikaw na ang bida sa buhay ko..kahit na alam kong extra lang ako sa buhay mo. 

 Waah! Kelan ba kase ako makakawala sayo? dalawang taon mo na kong ginaganito ah.. bakit ang sama-sama mo? at bakit ang tanga-tanga ko? at bakit ko bino-blog tong mga kalokohang to? haha!

Any kasagutan? Tulong please… :(

Posted by katmenace at 1:10 pm | permalink | Add comment