happy birthday Kat! :)
December 16, 2009I woke up lonely. Actually, I’ve been feeling lonely for the past few days.. I am being emotional again. Its always been like this. Everytime I turn a year older, I’m feeling lonelier. Sa di ko malamang kadahilanan. Siguro kase tumatanda na ko…tumatanda na ko pero wala pa rin akong napapatunayan sa sarili ko. Hindi naman ako ganito dati eh. Ewan ko. Siguro nga may sakit talaga ako. Matagal ko nang hinalang may Bipolar Disorder ako eh…dapat na siguro talaga akong mag pa tingin sa isang espesiyalista eh.
Pero iba ngayon. Mas malungkot. I spent my whole day at home. Walang ginawa kundi matulog lang. Yung nanay ko, nag-abalang magluto pero hindi naman pala para saken…ipapakain niya pala sa mga churchmates namen. Show off?! Lalo lang tuloy akong na-badtrip! Sana pala hindi nalang ako nag-file ng Vacation Leave. Sayang lang! Na-convert nalang sana siya into cash! tsk. tsk. tsk. wrong move talaga!
Pero hayaan mo na nga..patapos na rin naman ang araw. Bukas hindi ko na birthday. Pero hindi ko na rin uulitin to. Next year, If I’m still here..I’ll make sure na super busy ako sa birthday ko. Yung tipong uuwi nalang ako para matulog. At least, hindi ko mararamdaman yung lungkot, yung emptiness, yung feeling na mag-isa na naman ako. Pano naman kase, bente-kwatro anyos na ko pero single pa rin ako until now. ‘Yung mga batchmates ko, nag-uumpisa ng magbuo ng pamilya…tapos ako..ganto pa rin. MAG-ISA! Nag-ma-mall mag-isa, nangangarap mag-isa, umiiyak mag-isa..parati nalang mag-isa! Siguro nga, panahon na para isipin ko at tanggapin ko sa sarili ko na ito na talaga ko…NO CHOICE! Naku naman, ang korni talaga! walang lablayp, walang matinong career..WALA! Erna! walang kwenta!
Sa isang banda, may saya pa rin naman ako. (Bipolar nga talaga!) Bakit? Kase marami pa rin nakaalala sa birthday ko. Salamat sa regalo ng facebook kase kung hindi nakabalandra yung birthday ko sa homepage, malamang hindi rin naman nila matatandaan na may isang Kat Menes na nagbbirthday ngayon. Thanks friends! you know who you are! hehe! (Tsaka ‘he’ greeted me! haha! so high school!)
At siyempre thank you kay God because there’s another year for me. 24 years na kong pakalat-kalat at pampasikip sa mundo. Salamat din sa kanya because it was quite a good year din naman kahit papano, kahit may mga konting issues and all. I just wish that 2010 will be a better year for me and hopefully, this will be my year.
Oh well, it was still quite a happy ordinary birthday. Until next year!


